GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, February 21, 2008

Journal Online
Raymond Vargas


GRABE ang pagtanggap ng mga tao sa tambalang Richard Gutierrez at Marian Rivera base sa resulta sa takilya ng BFGF na siyang Valentine offering ng GMA Films at Regal Entertainment.

Todo ang suportang ipinakita ng mga fans ng dalawa ng dumagsa ang mga ito sa sinehang pinagpapalabasan ng naturang pelikula. Sulit naman ang kanilang ibinayad dahil maganda naman at nakakaaliw ang estorya nito.

Mas lalong kinikilig ang mga nanunood sa mga kissing scenes nina Kamandag at Marimar dahil nga bagay na bagay sila. Dagdag pa riyan ang pagka-kikay ni Marian na hindi pilit ang dating.

Dahil sa tagumpay ng nasabing pelikula,tiyak na nag-iisip na agad ang da-lawang produksyon ng follow up movie ng dalawa.

No comments: