GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, February 12, 2008

My Bestfriend's Girlfriend, malampasan kaya ang Let The Love Begin

Napakaganda ng feedback ng pelikulang My Bestfriend's Girlfriend
nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

Natuwa ang mga nakapanood ng premiere night ng BFGF noong Linggo sa
SM Megamall.

`Kaaliw ang BFGF at nakakikilig ang tambalang Richard-Marian.
Sa ganda ng mga eksena ng pelikula, hindi ako nakatayo para mag-CR
at baka may ma-miss akong eksena.

Bagay na bagay sina Richard at Marian na magkapareha. Hindi
nagkamali ang GMA Films at Regal Entertainment na sila ang
pinagpareha sa BFGF.

After ng premiere night ay nilapitan ko si Direk Mark Reyes at
binati. Bagay na bagay na maging Valetine movie ang BFGF nina
Richard at Marian.

Tamang-tama ang formula ng pelikula at ang galing ng `timpla' ni
Direk Mark, huh!

So, kung type n'yong ma-in love, maaliw o gusto lang ninyong sumaya,
watch na kayo ng BFGF bukas.

Feeling ko, malalampasan ng pelikulang ito ang kinita ng Let The
Love Begin noong 2005 (ito ang first Valentine movie ni Richard at
pang-apat na niya ang BFGF).


========================
BFGF dinumog sa 2 sinehan
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Tuesday, February 12, 2008


Kapag pumatok ang My Bestfriend's Girlfriend, sina Richard Gutierrez
na at Marian Rivera ang tatanghaling bagong tandem. Mas maswerte si
Marian dahil hindi lamang sa maliit na screen siya magri-reyna,
mamamayani na rin siya sa puting tabing. Nakow, matutuwa ang mga
tagahanga nila. Pareho naman silang walang sabit sa kasalukuyan,
walang masasaktan kapag na-in love sila sa isa't isa.

Maganda ang kemistri nilang dalawa. Kahit alam mong magkaibigan lang
sila ay nakakakilig na ang mga eksena nila. Magagaling din ang
support cast dahil nagawa nilang hindi sapawan ang dalawa,
napalutang pa nila ang mga karakter na ginagam­panan ng mga ito. But
this is not to say na hindi sila magagaling. Okay na okay si JC de
Vera, ganundin si Ehra Madrigal na siyang boyfriend at girlfriend
nina Richard at Marian sa movie.

Okay na okay yung bago pero hindi na pala talagang bago dahil one
year ago, nakasama si Charize Solomon sa StarStruck top 20. First
movie niya ang BFGF.

Bagaman at bilang na bilang ang eksena ni Pilar Pilapil, feel mo pa
rin ang presence niya.

Magandang Valentine movie ang BFGF dahil kuwento ito ng pag-ibig,
maraming kilig moments na hindi napatungan ng mga nakatutuwa at
nakatatawang mga eksena. Lalabas ka talaga ng sinehan na masaya.

Dalawang sinehan ang pinaglabasan ng red carpet premiere ng pelikula
pero, apaw pa rin ang tao. First time ko yun na makapanood ng movie
premiere na hindi ako makaraan sa rami ng tao.

Napatunayan na naman ng pelikula ang lakas ng hatak sa tao ni
Marian. Tulad nun sa Bahay Kubo na isang all star cast pero, dinig
na dinig mo ang paghiyaw ng mga tagahanga ng kanyang pangalan.
Kinailangan din ng napakarami at napakalakas na security force para
maialis sila sa McDonalds na kung saan ay nagkaroon sila ng presscon
bago ang premiere showing at maihatid sila sa sinehan na
paglalabasan ng kanilang pelikula.

Sa Peb. 13 na ang simula ng pagpapalabas ng My Bestfriend's
Girlfriend sa mahigit sa 100 sinehan.

Kung mag-asawa kayo, puwedeng dalhin ang mga anak dahil GP ang
rating nito. Kung magdyowa lang kayo (mag-bf o gf) puwedeng dalhin
si madir o fadir para mas lalo kayong lumakas sa kanila, o kaya sina
kuya at ate. Pero kung grupo-grupo kayong magkakaibigan, mas lalong
enjoy manood dahil sabay-sabay kayong tatawa o kikiligin whatever
the case may be.[/

No comments: