Kausap ko si Richard Gutierrez pagkatapos nilang mag-theater tour ni Marian Rivera sa ilang sinehang pinagpapalabasan ng My Bestfriend’s Girlfriend.
Nang malaman ni Richard na kasama ko ang ilang miyembro ng kanyang Richard Gutierrez Global Fans Club (dumating kasi si Rose Brooks ng Oakland, California na miyembro ng nabanggit na samahan), nagyayang mag-dinner sa The Fort ang binata.
Tuwang-tuwa si Richard nang malamang umuwi pa ng Pilipinas si Ate Rose para manood ng My Bestfriend’s Girlfriend.
During dinner, nagkuwento si Richard tungkol sa kanilang theater tour.
Sa isang sinehan daw, dahan-dahan silang pumasok ni Marian. Sa may harapan daw sila umupo.
Binilinan ni Richard ang mga kasama nila na huwag magpahalatang sila ni Marian ‘yung umupo sa may harapan.
Pagkatapos ng ilang minuto ay binuksan ang mga ilaw sa sinehan at itinigil ang pagpapalabas ng My Bestfriend’s Girlfriend. Nag-react ang mga manood.
“Nang nagre-react na ang mga tao, inabutan ako ng microphone at nag-dialogue ako ng, ‘O, bakit ninyo itinigil, nanonood kami!’
“Nagulat ‘yung mga tao sa sinehan nang makita kami ni Marian. Tuwang-tuwa sila, naglapitan na. Ang saya namin ni Marian dahil ang saya-saya ng reaksyon ng mga taong nanonood ng My Bestfriend’s Girlfriend,” kuwento ng binata.
During dinner ay kung anu-ano ang inuusisa ng fans kay Richard. Pati ang kanyang lovelife ay inusisa ng mga ito.
Inamin sa kanila ni Richard na wala siyang girlfriend ngayon, pero may dalawang nakakasama siyang lumabas, pero hindi pa raw siya sure kung isa sa dalawang ito ang kanyang liligawan.
“Kayo na lang ang dates ko ngayong Valentine,” biro ni Richard sa kanyang fans.
Bago umalis ang fans ni Richard, binigyan pa niya ang mga ito ng Kamandag shirts na siya mismo ang nagpagawa.
Ipinangako rin ni Richard na once a month ay makikipagkita siya sa fans at napag-usapan din nilang magkakaroon sila ng charity events at tutulungan siya ng kanyang fans sa mga planong ‘yon.

No comments:
Post a Comment