'Kamandag' ni Richard, 'di natinag ng 'Lobo' ni Angel
SA kabila ng matinding hype na ginawa ng ABS-CBN para sa launching ng tatlong bagong programa sa primetime, hindi pa rin natinag sa TV ratings ang batikang primetime shows ng GMA-7.
Malupit ang naging ingay para sa airing ng mga programang Kung Fu Kids, Lobo at Palos, pero tila hindi ito umepekto sa mga manonood sa Mega Manila, base sa overnight TV ratings ng AGB Nielsen nu’ng Lunes (January 28), Martes (January 29) at Miyerkules (January 30).
Gaya ng mga unang nabalita, nu’ng Lunes, pilot night ng tatlong ABS shows, nakakuha lamang ng 26.6 percent ang Kung Fu Kids laban 28.9 ng Zaido.
Ang Lobo naman, na pinangungunahan nina Angel Locsin at Piolo Pascual, ay nakakuha ng 27.7 percent laban sa 33.1 ng Kamandag.
Malayo rin ang naging rating ng Palos, na nakakuha lang ng 23.6 percent laban sa 36.8 ng Marimar.
Maging noong Martes, hindi pa rin pumalo sa ratings ang mga programa ng ABS-CBN. Ayon sa AGB Nielsen overnight ratings, nagtala ang Kung Fu Kids ng 26.4 percent laban sa 29.7 ng Zaido.
Hindi rin nagawang umariba ng Lobo sa rating na 27.7 percent laban sa 32.8 ng Kamandag. Nagmukha ring kawawa ang Palos, na nagtala ng 22 percent laban sa 42.8 ng Marimar.
At ito ngang Miyerkules, 32.2 percent ang naitalang rating ng Kamandag against 25.2 ng Lobo.
Sinasabing hindi magandang pangitain ito para sa ABS-CBN, na buong pagmamalaking inanunsyo sa publiko ang sabay-sabay na pagsisimula ng mga higanteng programa nila sa primetime. Hindi maganda, lalupa’t sinasabing kauna-unahan ito sa kasaysayan ng Philippine primetime TV.
Ginastusan din nila ang pagpu-promote ng Primetime Bida shows sa pamamagitan ng pagdadala sa cast ng mga ito sa Davao, Cebu, Dagupan, Bacolod at Metro Manila at sabay-sabay na ni-launch mula sa nasabing mga lugar sa ASAP noong Linggo.
Ang masaklap, nilampaso rin ng SOP ng GMA-7 ang ASAP sa ratings nu’ng Sunday.
Speaking of ratings, may pahabol pang reaction ang isang showbiz observer. Ito nama’y may kinalaman sa pagdapa rin sa ratings ng supposed to be ay “big day” ni Willie Revillame nu’ng nakaraang Sabado (January 26) sa Wowowee.
Dahil ika-47th birthday ng host, in-expect daw ng observer na aabangan ito ng loyal supporters ni Willie. Pero nagulat siya, dahil parang ordinaryong araw lang ang nangyari o baka nga raw mas mataas pa ang nakukuhang ratings ng programa ’pag walang okasyon.
Sixteen percent lang ang naitalang rating ng Wowowee kahit pa sabay na nag-guest ang Bise Presidente ng bansa na si Noli “Kabayan” de Castro at ang Hari ng Komedya na si Mang Dolphy.
Sa kabilang istasyon, pumalo naman sa 26 percent, o 10 points higher, ang long-running Eat Bulaga.
Kung sinasabi raw ng mga taga-Dos na “inyo na ang ratings, amin ang kita,” aba, teka, aling programa nga ba ang mas kumikita?

No comments:
Post a Comment