GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, February 13, 2008

Marian sa ‘Dyesebel,’ Richard sa ‘Captain Barbell Meets Darna’


Basta

NGAYON na huhusgahan ang loveteam nina Marian Rivera at Richard Gutierrez, dahil opening na sa more than 100 theaters nationwide ang My Bestfriend’s Girlfriend.

Hindi nakagugulat kung muling manood ang mga nakapanood na sa masayang premiere night para lang muling tumawa at ma-in love sa dalawang bida.

Siguradong masusundan ng iba pang pelikula ang Marian-Richard team-up, dahil gusto ng tao at may chemistry.

Bentang-benta ang pagpapatawa at pagpapakilig nila sa fans at ’kaaliw ang narinig naming reklamo na sana dinagdagan pa ang kissing scenes ng dalawa.

Pareho kami ng paniniwala ni Allan Diones na this is one of Direk Mark Reyes’ best movies. We’re looking forward na tuloy kung ano ang gagawin niya sa movie nina Jolina Magdangal at Gabby Concepcion for GMA Films.

Samantala, bago ipalabas ang BFGF, pinakita muna ang ads ng future shows ng GMA-7 at kitang-kita ang mukha ni Richard sa Captain Barbell meets Darna.

Ibig sabihin, siya pa rin si Captain Barbell, pero malabo pa ang mukha ni Darna.

Labas na rin nang konti ang mukha ni Dyesebel sa ad ng Dyesebel at mukha ni Marian ang aming nakita.

Siya na nga si Dyesebel and by now, napili na rin ang kapareha niya.

No comments: