GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, February 22, 2008

Richard, Marian 2008 Box-office King and Queen



IT’S confirmed, My Bestfriend’s Girlfriend ang top-grossing Valentine movie produced by GMA Films. Co-produced with Regal Films, mahigit P50 million ang gross nito after four days of release.

Masayang-masaya naman si Richard Gutierrez dahil tinangkilik ng mga tao ang unang tambalan nila sa pelikula ni Marian Rivera.

Sobrang happy rin ang producers dahil sa magandang turn-out ng mga mo-viegoers para panoorin ang pelikula.

Umaasa ang mga producer na mas lalo pang madaragdagan ang kita ng BFGF in the days to come.

Puwedeng lumaban para maging box-office king si Richard ‘pag nagtutuluy-tuloy ang magandang kita sa takilya ng BFGF. Box-office queen naman si Marian ‘pag nagkataon.

Dahil sa super-success BFGF, balitang sobrang naiinggit daw si Angel Locsin kay Marian Rivera. Nakapagsabi pa nga raw ito na sana ay hindi muna siya umalis sa GMA-7 at ginawa muna niya ang kanilang tambalan ni Ri-chard. Dapat kasi ay si An-gel ang ka-love team ni Chard sa BFGF.

No comments: