GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, February 3, 2008

Jewel, payag maka-date si Richard


ni: Allan Diones

Mamayang gabi na ipalalabas sa GMA ang TV special ni Richard Gutierrez na A Handsome Journey.
Isa sa kaabang-abang na portion ng show ay ang ‘lie detector test’ na inspired ng ‘Don’t Lie to Me’ segment ni John Lapus sa Showbiz Central.
Ayon sa in-charge sa nasabing TV special na si Tita Redgie Magno, pinilit lang nila si Richard na sumailalim sa nasabing test dahil ayaw ng binata.
Bago sinimulan ang tanungan portion ay halatang nate-tense si Chard at dinayalugan niya ang kakambal na si Raymond ng, “Mon, be nice!”
Sagot ni Raymond, “Hindi sa akin nangga­ling ang questions, so you have no right to get mad at me after!”
Ang first question na galing sa kanilang Ate Ruffa ay kung totoong si Jewel Mische ang leading lady na pinaka-close ngayon kay Richard.
‘Yes’ ang sagot ni Chard at ‘truth’ ang lumabas na resulta.
Ang sumunod ay inamin ni Chard na nagsusubuan sila ng chocolates ni Marian Rivera sa set ng pelikula nilang My Best Friend’s Girlfriend, pero magkaibigan lang daw sila at wala silang itinatago sa isa’t isa kaya very close sila ngayon ng dalaga.
‘Yes’ din ang sagot ng binata sa tanong kung totoong close sila ngayon ni KC Concepcion at ‘truth’ ang lumabas. Eksplika ni Chard, “Friends ko lang silang lahat!” na sinagot ni Raymond ng, “Perfect showbiz answer!”
Inamin din ni Chard na mahilig siya sa mga babaeng mestisahin (tulad ng ex-GF niyang si Georgina Wilson, pero si Jewel Mische ay morena).
Isang matigas na ‘no’ ang sagot ni Chard sa tanong ni Raymond kung inaamin niya bang siya ang may kasalanan sa naging away nilang magkapatid na tumagal nang 3 months.
‘Lie’ ang lumabas sa polygraph test kaya tawa nang tawa si Raymond at lumabas ang dancers para sayawan si Chard. ‘No’ rin ang sagot niya sa tanong ni Raymond kung naging source ba ng frustration niya ang fact na mas matangkad sa kanya ang kakambal na si Raymond.
Ang last question na ‘Are you dating someone special now?’ ay kas­wal na sinagot ni Richard ng ‘yes.’ Nagsigawan ang audience ng, “Sino??” pero isang safe na “Sik­reeettt!!” ang natatawang sagot ni Chard.
***
Pagkatapos ni Richard ay si Raymond ang su­malang sa lie detector test. Nagulat si Raymond dahil hindi niya yata alam na may ganu’ng ‘twist.’
“Oh my God! Wala na nga akong bayad dito, eh!” natatawang bulalas ni Mon.
Binalik ni Chard kay Mon ‘yung tanong na ina­amin ba nitong siya ang may kasalanan sa na­ging away nilang magka­patid.
Isang sure na sure na ‘no’ ang sagot ni Raymond at ‘truth’ ang luma­bas na resulta, kaya super-react ang Richard at napasigaw ng, “Unbelievable! That’s a lie!”
Sunod na tanong ni Chard, kahit mas matangkad si Raymond, mas payat at mas fit daw siya, kaya totoo raw bang naiinis ito kapag sinasabihan na mag-diet?
‘Yes’ ang sagot ni Raymond at ‘truth’ ang lu­mabas.
‘No’ ang sagot ni Raymond sa tanong kung totoo bang gusto niyang maging isang singer.
‘Lie’ ang lumabas kaya kinantiyawan siya ni Chard at hiniratan ng, “’Mon, ‘pag gusto mong kumanta, nandiyan naman ang GMA Records, pwede kang bigyan ng album!”
Hiningan ng audience si Raymond ng sample ng kanyang hidden si­nging talent pero isang ma­lakas na “No way!” ang sagot nito.
‘No’ ulit ang sagot ni Mon sa tanong ni Chard na, “Are you dating anyone right now?”
Katwiran ni Mon, “It’s more fun to be single!”
Sa last question ay inamin ni Raymond na totoo ‘yung mga napa­balita noon na lumabas siya minsan sa telefantasyang Sugo kung saan dual roles ang ginampanan ni Richard.
Tinawagan daw kasi siya ng Sugo staff at nakiusap na kung pwede ay lumabas siya sa isang kukunang eksena dahil kung hindi raw ay aabutin na ng 24 hours ang taping nina Richard.
Pumayag daw si Raymond dahil hindi siya gaanong busy that time at okey sa kanya si Ri­chard nu’ng mga panahong ‘yon.
Sa portion na ‘yon ay lumabas na hindi lang pala si Raymond ang may talent sa paghu-host. Keri rin pala ni Richard na mag-host dahil very lively siya at nakaaaliw ang kanyang mga hirit.
Bago kami umalis sa taping ng A Handsome Journey ay nakorner namin si Jewel at tinanong namin ang dalaga kung siya ba ‘yung tinutukoy ni Richard na ‘someone special’ na dine-date nito ngayon.
Sagot sa amin ni Je­wel, “Siya po ang tanu­ngin n’yo, hindi ko po alam, eh!”
Sakaling libre raw siya sa Valentine’s at yayain siyang lumabas ni Chard ay hindi siya tatanggi.
“Kung free ako, why not?!” matamis ang ngi­ting sey ni Jewel.

No comments: