GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, February 19, 2008


KC, masaya sa Valentine gift ni Richard

ni: Allan Diones


Nagkaroon ng thanksgiving mass at victory party kamakalawa sa Imperial Palace para sa box-office success ng Valentine mo­vie na My Bestfriend’s Girlfriend (BFGF).
Ayon sa producers ng pelikula, sa loob ng apat na araw (Miyerkules-Sabado) ay naka-P50M na nationwide ang first movie team-up nina Richard Gutierrez at Marian Rivera. Ito na raw ang highest four-day gross ng anumang Valentine mo­vie ng GMA Films.
Binati namin ang suot na black polo ni Richard. ‘Black’ din ba ang kanyang nagdaang Valentine’s?
“Hindi, naka-white ako kanina, nagpalit lang ako ng black! Ha! Ha! Ha!”
So, kumusta ang Araw ng mga Puso niya?
“Okey naman. Nag-basketball lang ako with the family! Ha! Ha! Ha!” tawa niya, na halatang ine­eklay lang kami.
Kumusta nga ang V-day niya? May date ba siya?
“Oh, man! Hindi… may get together kaming family…”
Pagkatapos no’n, may ka-date ba siya?
“Hindi ko yata pwedeng sabihin,” tila naguguluhang sagot sa amin ni Chard.
Bakit, may ibang karelasyon ba ang ka-date niya?
“Ha! Ha! Ha!” tawa lang niya.
Sino ba? A. Si KC Concepcion o B. Si Jewel Mische?
“Hindi… basta nu’ng Valentine’s, nagbigay ako ng gift kay KC. First time ko siyang binigyan ng gift,” tila nahihiya pang pag-amin niya.
Anong sabi ni KC?
“Masaya siya, masaya siya du’n sa gift ko.”
Iniabot niya ba ‘yon nang personal kay KC?
“Ahmmm… secret na lang!” pa-cute na iwas niya.
So, posibleng si KC ang ka-date niya nu’ng V-day?
“Family ko nga ang kasama ko… family and friends!”
Seryosong tanong: may balak na ba siyang ligawan si KC?
“Basta, ‘pag nangyari ‘yung gano’n, mala­laman n’yo naman, eh! Pero ngayon, for me kasi, timing is very important. Tingnan natin…” biting sey ni Chard.
***
Hindi ba nagseselos si Jewel?
“Ha! Ha! Ha! Wala naman dapat magselos, ‘di ba?”
Walang dapat magselos o walang karapatang magselos si Jewel? Alin doon?
“Walang dapat pagselosan at walang dapat selos na nangyayari! Ha! Ha! Ha!”
Pero may karapatan bang magselos si Jewel kung ligawan man niya si KC?
“Ewan ko, ewan ko sa kanya! He! He! He!” patawa-tawang sagot ng binata.
Ang sabi ni KC sa isang interview ay hindi sila nagdi-date ni Richard. Pwede na ba siyang gumawa ng moves para next time, ang isasagot na ni KC ay, “Yes, I’m going out with Richard Gutierrez!”?
“Sige, tapos balitaan mo ako kung anong sagot niya!” pakli ni Chard.
May time ba siya para manligaw?
“‘Yun nga, eh! Wala akong masyadong time ngayon, kaya hinihintay ko ‘yung proper timing. Kasi ngayon, tulog nga, hindi ko magawa, eh!”
Anong feeling niya na ang daming nagsasabi na sila ang totoong bagay ni KC at sila dapat ang maging magkapareha sa pelikula?
“That would be a great honor for me. Sana mangyari, sana mangyari. Hopefully…”
May balitang ba­lak makipag-co-prod ng GMA Films sa Star Cine­ma para magkatambal sila sa pelikula. Posible ba ‘yon?
“Well, for me naman kasi, nothing is impossible. It would be great for the industry as a whole kung mangyayari ‘yon. That would be a dream come true for me and for a lot of people also.
“So, hopefully mangyari ‘yon. Let’s just hope for the best. For me kasi, si KC is a great person, eh! She’s a great girl, she’s talented, intelligent and at the same time, she has a great personality,” papuri niya pa sa dalaga ni Sharon Cuneta.

No comments: