GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, February 4, 2008

JUN LALIN
Abante Tonite


Kahit walang suma­bay na pelikula sa My Bestfriend’s Girlfriend, gusto pa rin ni Richard Gutierrez na magtodo-todo sa pagpo-promote ng Valentine movie nila ni Marian Rivera.


Type ni Richard na magkaroon din sila ng mall shows ni Marian para sa promotions ng BFGF.
Sa Sabado, pupunta sila sa SM San La­zaro at SM Valenzuela.
Sa Linggo ay nasa SM Megamall sila at after ng mall show ay deretsong premiere night na.


Siyanga pala, mara­ming tagahanga ng Marimar nina Marian at Dingdong Dantes ang nagsabing susuportahan nila ang BFGF at hindi totoong nagtatampo sila sa GMA Films dahil sina Richard at Marian ang mas inunang pinagpareha sa pelikula.


Naiintindihan daw nila ang desisyong ‘yon ng GMA Films dahil ba­lak ding bigyan ng pelikula together sina Ma­rian at Dingdong.
Saka ang dinig ko, sa Linggo ay a-attend si Dingdong sa premiere night ng BFGF.

No comments: