GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, February 3, 2008

Jewel, natameme kay Ruffa!

Ni REY PUMALOY

Sabi ni Richard Gutierrez, si Jewel Mische ang babae na pinakamalapit sa puso niya ngayon.


Ano ang reaksiyon ni Jewel?


“Sorry, hindi ko talaga narinig because I was talking with somebody noong nakaupo ako sa audience,” nakangiting sabi ni Jewel.


“Sinabi ba ni Chard iyon? What can I say about it? Well, siguro right now, ako ang isa sa mga close niyang leading ladies. Lately kasi, marami kaming eksenang kinukunan sa Kamandag and we’re really getting to know each other more.


“Kung noon wala akong masabi kay Richard because nagsisimula pa lang kaming nagwu-work sa isang show. Now I can really say na kilala ko na siya and we’re very close na. I am happy na I was able to work with somebody as professional like Richard,” esplika pa ni Jewel.


Aminado si Jewel, binigyan niya ng birthday gift si Richard kamakailan. Ang nakakaloka lang, ayaw itong sabihin ni Jewel.


“I already gave Chard his gift. I won’t say what it is. Siguro if you want to know, tanungin n’yo na lang siya. Basta ‘yung gift ko, bagay sa kanya and he will always remember me when he sees it.”


Malakas ang usap-usapan na may relasyon na sila ni Richard at noong birthday special nga ay magkatabi si Jewel at ang Ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez. Mukhang approve si Ruffa kay Jewel.


“Gano’n ba?” nakangiting reaksiyon ni Jewel.


“Pinaupo kasi ako sa tabi ni Ms. Ruffa. And she was very nice to me.

Nahihiya nga ako kasi sa kanya ako tinabi. Parang na-starstruck tuloy ako.


“I don’t know about ‘yung approval ni Ms. Ruffa sa akin. Ayoko namang isipin ‘yon. What’s important is that I was able to get to know her and Chard’s family. Mababait silang lahat sa akin. Siguro enough reason na iyon for me to really like them.”


True ba na super bantay raw siya ngayon kay Richard kapag may eksena raw ito with Maxene Magalona? Pinagseselosan ba niya si Maxene?


“Naku, ayan na naman ang balitang ‘yan. Hindi po ako nagbabantay doon sa eksena with Chard and Maxene. I was next kasi to be called for the scene. Lalabas na muna sana ako para mag-wait sa standby area. Pero sabi ng isang staff na huwag na raw along umalis since mabilis lang daw kukunan ang scene. Kaya I stayed kasi isasalang daw ako agad.


“So hindi naman ako nagbantay talaga. Kahit itanong n’yo pa kina Chard and Maxene. Ginagawa ko roon was trabaho and sumunod lang naman po ako sa sinabi sa akin ng taga-Kamandag.


“Kami naman ni Maxene, okey kami. We talk lalo na kapag may mga eksena kami. Usually kasi, hindi kami magkasama sa mga eksena. Pero kapag may scenes kami together sa isang location, nagkukuwentuhan naman kami. Maxene is a very nice person and huwag naman sana nila kaming gawan ng intriga kasi we’re working harmoniously in the set,” say na lang ni Jewel.

No comments: