GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, February 25, 2008

Jun Lalin
Abante Tonite




Pagkatapos ng box-office success ng My Bestfriend’s Girlfriend nila ni Marian Rivera ay bising-busy ngayon si Ri­chard Gutierrez sa advance ta­ping ng Kamandag.
Kailangang kunan in advance ang mga eksena ni Richard sa Kamandag dahil aalis siya papuntang L.A. sa Marso 6 para um-attend ng isang awar­ding sa Marso 7 sa Ko­dak Thea­ter sa Hollywood.
Isa si Richard sa awardees sa event na ito.
Bale sa Marso 24 na ba­balik ng bansa si Ri­chard dahil manonood din siya ng fight ni Manny Pacquiao (vs. Marquez) sa Las Vegas, Nevada sa Marso 15.
Mula sa L.A. ay pupunta sa Nagoya, Japan si Richard para sa Kapuso Fans Day roon sa Marso 22.
Sa Marso 23 ay nasa Tokyo, Japan si Richard para pa rin sa Kapuso Fans Day.
Hanggang Abril pa ang Kamandag, kaya pagbalik niya ng ‘Pinas, balik taping pa rin siya para sa kanyang ‘ahaserye’ sa Siyete.

No comments: