GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, February 19, 2008

Namimirata ng Richard-Marian starrer, huli sa akto!



Sa thanksgiving Mass para sa box-office success ng naturang team-up nina Richard Gutierrez at Marian Rivera nu’ng Linggo, nailing na lang ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde dahil wala silang magawa para mapipigilan ang mga pirata.

Naikuwento nga ni Roselle na may nahuli sa akto na kumukuha sa Gateway Theater at dinala sa presinto.

Buti na lang at kahit na-pirate na ang first movie together nina Richard at Marian, patuloy pa rin itong dinudumog sa mga sinehan.

Ayon naman sa big bosses ng GMA at Regal Films, naka-P50 million na ang BFGF in four days.

Mas malakas pa raw ito sa Richard-Angel Locsin movie. Kaya naman pinag-iisipan na nila ang susunod na project nina Richard at Marian.

Sa thanksgiving Mass pa rin, hindi naiwasang tanungin ng press si Richard tungkol kay KC Concepcion. Ano nga ba talaga ang real score sa pagitan nila ng dalaga ni Sharon Cuneta?

Inamin naman ng binata nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez (na dumating din sa thanksgiving Mass) na close sila ni KC at pangarap din niyang makasama ito sa pelikula.

“Sino ba naman ang hindi mangangarap makasama sa isang pelikula si KC? Tulad din ’yan ng pinangarap kong makasama si Marian sa movie,” say ni Richard.
Ang tanong: Matupad naman kaya ang pagsasama nina Richard at KC sa pelikula?

No comments: