GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, February 2, 2008

Marian, ‘binatukan’ at ‘sinampal’ si Richard!
Rey Pumaloy



MAHAL pa rin ni Richard Gutierrez ang ka-loveteam niya noon na si Angel Locsin, kahit nasa ABS-CBN na ito nga­yon. Sa presscon ng My Bestfriend’s Girlfriend, tumanggi siya na ikumpara sina Angel at ang bago niyang kapareha na si Marian Rivera.


Ayaw rin niyang magsalita kung sino sa dalawa ang mas maganda. Palagi ring iginigiit ni Richard na kaibigan niya si Angel, at ayaw niyang magsalita lalo na kung ikau-offend nito.


Pero, nirerespeto raw niya ang opinion ni Mother Lily Monteverde nung sabihin nito na mas maganda si Marian kay Angel, dahil mas maputi ito.
Para kay Richard, hawig sina Angel at Ma­rian. Pareho raw sweet ang dalawa.


Siyanga pala, nagkita sina Angel at Richard sa eroplano mula sa Cebu. Nagpaliwanag daw si Angel sa kanya tungkol sa pagkakasabay ng mga show nila, ang Kamandag at Lobo.


Sabi raw ni Angel, hindi raw niya alam na itatapat ang Lobo sa Kamandag.
Hindi itinanggi ni Richard na nagulat siya sa pagtatapat ng show nila ni Angel. Kaya sabi pa ni Richard, mas naiintindihan na niya ang kahulugan ng network war. Pero, giit pa rin ni Richard, kahit nag-aaway ang mga istasyon nila, hindi raw paaapekto ang friendship nila.


Anyway, sinabi ni Richard na masaya siya sa friendship nila ngayon ni Marian. Imagine, tatlong araw pa lang daw silang nagkakasama, parang close na close na sila.


“Masaya at masarap na kasama si Marian. Makulit na katulad ko,” say ni Richard.


Sa presscon nga ng My Bestfriend’s Girlfriend, mistula silang mga bata na nagkukulitan. Katunayan, may sampalan at batukan pang naganap sa kanila sa presscon, pero hindi `yon ikinagalit ni Richard, dahil mahina lang at alam niyang lambing lang `yon ni Marian.


No comments: