GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, February 5, 2008


Richard, malabong ligawan si Jewel!
(REY PUMALOY)


MALABONG ligawan ni Richard Gutierrez si Jewel Mische ngayon. Si Ri­chard mismo ang nagsabi na ang trabaho ang focus niya ngayon.
Sinabi rin ni Richard na hindi siya ‘exclusively dating partner’ ni Jewel.
Pero, aminado siyang nagagandahan siya sa chemistry nila ni Jewel sa Kamandag.
“Nagdya-jibe ang personalities namin. Sweet siya at sweet din ako,” say pa ni Richard.
Hindi masabi ni Richard kung magiging girlfriend niya si Jewel in the future. Hinahayaan na lang daw niya na mangyari ang dapat mangyari.
Pero, may matinding malasakit daw siya kay Jewel. Espesyal daw ito sa kanya, lalo na at madalas niya itong kasama sa trabaho.
Siyanga pala, bagama’t nali-link si Richard kay Jewel, naniniwala siya na hindi maaapektuhan ang pelikula nila ni Marian Rivera, ang My Bestfriend’s Girlfriend, ng Regal Entertainment at GMA Films.
Sabi ni Richard, marami siyang naririnig na magagandang komento tungkol sa pagsasama nila ni Marian.

No comments: