GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, February 14, 2008

Richard-Marian movie, patok sa takilya
ni: Jun Lalin

Certified box-office hit ang pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

Ayon sa GMA Films executive na si Joey Abacan, nalampasan nito ang first day gross ng first Valentine movie ni Richard (opposite Angel Locsin) na Let The Love Begin.

Sey naman kay Ms. Roselle Monteverde-Teo, inaasahan nilang lalampas ng P12M ang opening day gross ng My Bestfriend’s Girlfriend.

Kahapon ay nagkaroon ng biglaang theater tour sina Richard at Marian.
Noong Martes nang gabi lang nagdesisyon ang mga taga-GMA Films na pagbigyan ang kahilingan nina Richard at Marian na mag-theater tour.
Sila na rin ang nakiusap sa staff ng Kamandag na gawing gabi na ang call time ng binata.

Bale 3:00PM kahapon nagsimulang mag-theater tour sina Richard at Marian
“Sa SM North EDSA muna kami nagpunta at isinunod namin ang SM Megamall at last namin ang SM San Lazaro. Ang saya-saya namin ni Marian. Ang ganda kasi ng feedback sa movie.

“Iyung mga taong dinatnan namin sa mga sinehan, tinanong namin sila kung enjoy ba sila sa movie. Puro positive ang sagot nila sa amin.

Kitang-kita ang kasiyahan nila sa panonood ng My Bestfriend’s Girlfriend, kaya kahit palipat-lipat kami ng mga sinehan, eh, parang hindi kami napagod ni Marian.

“Ni hindi na namin naisip na kumain. Parang hindi kami ginutom,” sey ni Richard.
Walang taping ng Nuts Entertainment ngayong araw na ito si Richard, kaya malamang na mag-theater tour uli siya.

Wish niya na makasama uli si Marian kung papayagan ito ng staff ng Marimar.
Sabi ni Mr. Abacan, sa panahon ngayon, big hit talaga ang My Bestfriend’s Girlfriend at inaasahan nilang mas lalakas pa ang pelikula sa weekend.
Rated B ito ng CEB (Cinema Evaluation Board).

No comments: