GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, February 18, 2008

Jun Lalin
February 18, 2008


Kahapon ginanap ang thanksgiving/victory party para sa tagumpay ng pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

Nalampasan na ng box-office gross ng My Bestfriend’s Girlfriend ang mga kinita ng Let The Love Begin, I Will Always Love You at The Promise.

Natural, very thankful sina Richard at Marian.

Aba, kahapon nga raw, grabe pa rin ang pila sa mga sinehang pinagpapalabasan ng pelikulang ito.
Nakasama ko sina Ri­chard at Marian sa backstage ng SOP kahapon ay sobrang sweet sila, huh!
Puwedeng pagduda­hang there’s something special going on between Ri­chard at Marian dahil kumikislap-kislap pa ang mga mata ng binata kapag kasama si Marimar at blooming na blooming ang dalaga kapag kasama si Kamandag.

Siyanga pala, nag-pictorial na kahapon si Marian para sa bagong TV series na pagbibidahan niya… ang Dyesebel.

No comments: